San Mateo landfill tuluyang isasara
December 22, 2000 | 12:00am
Sampung araw na lang ang nalalabi bago dumating ang deadline ng pagsasara ng San Mateo landfill, handang-handa na ang mga residente sa isasagawa nilang mga programa bilang simbolo ng kanilang tagumpay sa kanilang ipinaglalaban.
Sinabi ni Dr. Edith Regalado, pangulo ng Citizens Committee on Landfill Closure, na isang malaking closing ceremony sa Town and Country Homes ang kanilang isasagawa na dadaluhan ng ibat-ibang non-government organizations na lumahok sa mga isinagawang barikada noong 1999 na nagpabaho ng husto sa buong Metro Manila.
Una nang siniguro ni Presidential Adviser on Flagship Projects Robert Aventajado ang tiyak na pagsasara nito sa darating na Disyembre 31 ayon na rin sa pinirmahang memorandum of agreement (MOA) na pinirmahan ng mga opisyales ng Rizal, mga NGO at ng pamahalaan.
Sa kabila nito, hindi pa rin umano maiaalis ang pangamba ng mga residente na posibleng hindi matuloy dahil sa wala pang pasabi hanggang sa ngayon sa mga residente ang katiyakan ng pagsasara.
Ito ay sa kabila ng paghahayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tiyak na ang pagbubukas ng landfill sa Semirara Island sa may Catuya, Antique na gagamit ng barge sa dagat upang itawid ang mga basura.
Ookupa ang naturang landfill ng higit sa 20 ektarya ng isla. Wala naman umanong panganib sa kalusugan ng mga residente ang naturang landfill dahil sa mga features nito na hindi hahayaang makatagas sa lupa ang katas ng basura. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am