^

Probinsiya

Turistang Aussie tiklo sa aktong pakikipag-sex sa 2 dalagita

-
ANGELES CITY, Pampanga – Inaresto ng mga awtoridad ang isang 48 anyos na turistang Australian national matapos na ito ay mahuli sa aktong nakikipag-sex sa dalawang kabataang babae sa loob ng isang motel kamakalawa sa Brgy. Balibago ng nasabing bayan.

Ang suspek ay nakilalang si Terence John Murray, at pansamantalang nakatira sa 105 Narciso St.,Brgy. Malabanias.

Itinago naman ang dalawang biktima na itinago sa pangalang Joanne, 14 at Arlyn, 15 at nasa pangangalaga ng isang Non-Government Organizations(NGOs).

Sa ulat ng pulisya na bandang alas 9:00 ng gabi ay nakatanggap sila ng tawag mula sa hotel attendant ng Rajah Hotel tungkol sa pagpasok ng suspek na kasama ang dalawang babaeng menor de edad.

Agad na bumuo ng raiding team ang pulisya at pinuntahan ang kuwarto ng suspek at nahuli itong hubot-hubad at aktong ka-sex ang dalawang babae.

Ayon sa mga biktima sila ay pinangakuan ng suspek na bibigyan ng pera kapalit ang panandaliang aliw subalit wala umanong binibigay sa kanila.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong at inihahanda ang kaukulang kaso. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ARLYN

AYON

BRGY

INARESTO

ITINAGO

JEFF TOMBADO

NARCISO ST.

NON-GOVERNMENT ORGANIZATIONS

RAJAH HOTEL

TERENCE JOHN MURRAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with