^

Probinsiya

Jailguard, natakasan ng preso

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Naisahan ng isang preso ng Cavite Provincial Jail ang mga awtoridad matapos na ito ay nagkunwaring masakit ang sikmura subalit hindi pa nakararating sa ospital ay tumakas na ito kamakalawa ng gabi.

Ang suspek na pinaghahanap ng pulisya ay nakilalang si Asul Guimar Magumnang, 27, nahaharap sa kasong pagpatay na dinidinig sa Imus Regional Trial Court Branch 21.

Sa ulat na pinadala kay Provincial Jail Warden Supt. Severino Lubigan na dakong alas 7:00 ng gabi ay dumadaing umano sa sakit ng tiyan ang suspek at humihiling na dalhin siya sa ospital.

Naawa naman ang jailguard na si Marcelo Latican kaya nagpasiya itong tulungan ang suspek at kumuha ng masasakyan para ito ay madala sa Gat Andres Hospital.

Hindi pa nakakalayo ang sasakyan ng suspek ay nagpaalam ito kay Latican na iihi muna dahil sa posibleng ito ang dahilan ng kanyang pagsakit ng kanyang sikmura.

Nang ihinto ni Latican ang sasakyan ay doon na tumakas ang suspek at nagtatakbo sa madilim na bahagi ng national road. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

ASUL GUIMAR MAGUMNANG

CAVITE

CAVITE PROVINCIAL JAIL

GAT ANDRES HOSPITAL

IMUS REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

LATICAN

MADING SARMIENTO

MARCELO LATICAN

PROVINCIAL JAIL WARDEN SUPT

SEVERINO LUBIGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with