Medical clinic pinasabog ng MILF rebels
December 20, 2000 | 12:00am
Pinasabog ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang ospital kamakalawa ng umaga, sa Pikit, Cotabato.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, pinasabog ng mga suspect ang Cruzaldo Medical Clinic na matatagpuan sa Datu Piang St. sa bayan ng Pikit.
Nabatid na dakong alas-11:50 ng umaga umano habang abala ang lahat sa loob at labas ng bisinidad ng naturang pagamutan nang bigla na lamang marinig ang isang malakas na pagsabog mula sa unang palapag ng establisimento.
Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa nasabing pagsabog , ngunit batay sa inisyal na pagsisiyasat, lumalabas na itinanim ng hindi nakikilalang mga suspect na hinihinalang miyembro ng MILF ang isang improvised explosive device sa loob ng isang bakanteng silid sa ospital at isinilid ito sa isang plastic bag ng dextrose.
Hanggang sa kasalukuyan ay palaisipan pa rin sa mga awtoridad kung papaanong naipuslit sa ospital nang walang nakakapansin ang nasabing bomba.
Gayunman, malaki ang hinala ng mga awtoridad na maaaring nagpanggap na hospital staff ang mga suspect bago mangyari ang krimen.
Dahil sa lakas nang pagsabog ay nawasak ang pasilidad sa ilang bahagi ng unang palapag ng pagamutan.
Isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang naganap na pagsabog, habang puspusan rin ang paghahanap sa mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 6 hours ago
By Victor Martin | 6 hours ago
By Omar Padilla | 6 hours ago
Recommended