^

Probinsiya

Asset ng reporters tiklo sa kotong

-
OLONGAPO CITY – Isa umanong asset ng isang reporter ng isang pang-umagang pahayagan ang nadakip kamakalawa ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Law Enforcement Department (LED) at ng Intelligence and Investigation Office (IIO) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) matapos na maaktuhang nangongotong sa bawat tindahan sa loob ng Subic Bay Freeport.

Sa ulat ng nasabing pulisya, kinilala ang suspect na si Lamberto Pacheco, 57, isa umanong asset ng tabloid reporter (hindi ang PSN).

Ayon sa ulat ng pulisya, nadakip ang suspect habang nasa aktong nangongotong sa bawat tindahan na nakapuwesto sa Night Bazaar na inorganisa ng Freeport Service Corporation (FSC), isang subsidiary ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Mabilis na dinala ang suspect sa tanggapan ng Intelligence and Investigation Office (IIO) upang kuwestiyunin at upang panagutin sa nasabing insidente kasabay nang pagdumog ng mahigit sa 30 stall owners sa nabanggit na tanggapan upang magsampa ng reklamo laban din sa pangongotong sa kanila ng suspect.

Ayon naman kay Jemael Disoma, 23, residente ng 31 Arthur St., West Bajac-Bajac, Olongapo City at isa sa mga nagsampa ng reklamo sa pulisya, tuwing gabi umano kumokolekta ang naturag suspect sa bawat tindahan na umaabot sa halagang P8,000 kada gabi. (Ulat ni Jeff Tombado)

ARTHUR ST.

AYON

FREEPORT SERVICE CORPORATION

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION OFFICE

JEFF TOMBADO

JEMAEL DISOMA

LAMBERTO PACHECO

LAW ENFORCEMENT DEPARTMENT

NIGHT BAZAAR

OLONGAPO CITY

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with