Sa 21-pahinang desisyong ibinaba kamakailan ng 4th Division ng Sandiganbayan, inatasan ring magbayad si Lonzanida ng P50,000 multa para sa sampung kaso ng falsification kaugnay ng mga pekeng pagpapatitulo ng lupa sa Sitio Talisayen, Barangay Pundaquit sa bayang ito.
Ayon kay Associate Justice Narciso S. Nario ng Sandiganbayan 4th Division, si Lonzanida ay nagkasala sa ilalim ng Article 171 ng Revised Penal Code.
Ang desisyon ng Sandiganbayan ay bunga ng mga kasong isinampa noong 1995 laban kay Lonzanida nina Efren Tayag, Elsie de Dios, Daniel Alegado at Rene Abad na pawang mga mamamayan ng San Antonio.
Ayon sa mga complainants. Ginamit ni Lonzanida ang pangalan ng kanyang mga menor-edad na anak sa pagpapatitulo sa lupain sa Barangay Pundaquit. Napag-alaman ng rin ng husgado na ang mga pirma ng mga claimants ay pineke.
Bago inutos ng Sandiganbayan ang pagkakulong ni Lonzanida, sinuspinde na ito noong 1997 ni dating Zambales Gov. Amor Deloso matapos mabulgar na isinama sa mga pekeng claimants ang isang 11-buwang sanggol na anak ng dating municipal treasurer ng San Antonio. (Ulat ni Bebot Sison Jr.)