Puganteng nagtago ng 6 taon, nasakote
December 11, 2000 | 12:00am
Matapos ang anim na taong pagtatago, nadakip ng mga kagawad ng Las Piñas police ang isang "pugante" na may mabibigat na kaso sa isang follow-up operation na isinagawa kahapon sa Cardona, Rizal.
Nabatid kay SPO4 Ben Javier ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City police, ang akusado ay nakilalang si Jerry Aguilar, 32, binata, walang trabaho at residente ng 913 San Jose St., Brgy. Ilaya ng nasabing lugar.
Matatandaan na ito ay hinatulan ni Las Piñas City Regional Trial Court Branch 275, Judge Bonifacio Sanz Maceda ng 30 taong pagkabilanggo dahil sa kasong homicide, frustrated homicide at frustrated rape noong Abril 10, 1997.
Base sa impormasyong natanggap ng mga alagad ng batas, ang akusado ay nagtatago sa nabanggit na lalawigan at sa pamumuno ni Chief Insp. Ambrosio Cenodoza ng Las Piñas City police ay nadakip si Aguilar matapos ang pagtatago. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest