Municipal administrator todas sa ambush
December 7, 2000 | 12:00am
BIÑAN, Laguna Dead on spot ang isang 46-anyos na municipal administrator ng bayang ito, makaraang magtamo ng labing-siyam na tama ng bala sa katawan at ulo, habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pang kasamahan nito matapos na tambangan ng tatlong kalalakihan sa kahabaan ng Daang Bakal, Barangay Canlalay ng bayang ito.
Nakilala ang biktima na si Joselito Nava Sigua, 46, kasalukuyang municipal administrator ng bayang ito, habang ang nasa kritikal na kondisyon naman ang bodyguard nito na si Alfredo Magbitang .
Hindi naman nakilala ang tatlong suspect na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril na mabilis na nagsitakas matapos ang isinagawang krimen lulan ng isang motorsiklo.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi ng maganap ang nasabing ambush habang ang dalawang biktima ay lulan ng Starex van na pag-aari ni Sigua na may plakang WJR-372 na kulay abo nang harangin ng mga suspect.
Mabilis na bumaba ng motorsiklo ang dalawa sa mga suspect at lumapit sa sasakyan ng biktima at walang sabi-sabing pinaulanan ng pagpapaputok ng baril.
Nabatid na patungong Maynila ang dalawang biktima at dumaan lamang sa nasabing lugar dahil sa may dinalaw na isang kaibigan.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito, para alamin kung ano ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaslang. (Ulat ni Ed Amoroso at Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am