Militar vs Sayyaf: 4 katao patay
December 5, 2000 | 12:00am
Apat na katao ang iniulat na nasawi, kabilang ang dalawang sundalo, habang 24 pa sa tropa ng pamahalaan ang nasugatan matapos ang isang madugong sagupaan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at ng tinatayang 40 na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.
Batay sa ulat, dakong alas- 8:40 ng umaga habang nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 7th Infantry Battalion ng Phil. Army sa bisinidad ng Barangay Darayan, Patikul ng maka-engkuwentro ang bandidong grupo.
Pansamantalang hindi tinukoy ang pangalan ng mga sundalong nasawi. Samantala, 24 pa ang naitalang malubhang nasugatan sa panig ng mga sundalo kabilang ang isang opisyal.
Sinabi sa ulat na ang engkuwentro ay kaugnay na rin ng puspusang operasyon ng militar upang durugin ang mga bandidong ASG at mabawi ang nalalabi pang bihag na sina Jeffrey Craig Schilling at ang Filipino diving instructor na si Rolland Ullah. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest