^

Probinsiya

Ahas padamihin laban sa mga daga

-
Dahil sa hindi makontrol na pagdami ng bilang ng mga daga na umuubos ng maraming pananim sa Nueva Ecija, hiniling ng Department of Environment and Natural Resources sa mga residente dito na alagaan at padamihin ang bilang ng mga ahas na papatay sa mga daga.

Binigyang diin ni DENR Secretary Antonio Cerilles, na ang pagdami ng mga daga sa mga palayan sa Nueva Ecija ay dulot naman nang pagkaubos ng mga ahas na siyang pamuksa sa mga ito.

Kaugnay nito, inutos ni Cerilles sa lahat ng DENR offices na palaganapin ang kampanya na huwag papatayin ang mga ahas na makikita sa mga palayan bagkus hayaan itong dumami dahil ito ang tumutulong upang maglaho ang mga daga na sumisira sa maraming pataniman sa bansa.

Umaabot na sa P1.2 bilyon ang nalugi sa mga magsasaka sa naturang lalawigan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

BINIGYANG

CERILLES

CRUZ

DAHIL

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

KAUGNAY

NUEVA ECIJA

SECRETARY ANTONIO CERILLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with