Chief of police patay sa ambush
December 5, 2000 | 12:00am
CALAPAN CITY – Inambus at napatay ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang hepe ng pulisya sa tinaguriang tourist town sa Oriental Mindoro, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni PNP Provincial Operations Officer, Chief Inspector Marcelino Romero ang nasawi na si Inspector Edison Atienza,hepe ng pulisya sa Puerto Galera.
Base sa ulat, dakong alas-2:20 ng hapon noong nakalipas na Linggo nang ambusin ang biktima ng apat na mga kabataang suspect lulan ng isang owner-type jeep sa Sitio Small Tabinay, Barangay Tabinay sa nabanggit na bayan.
Sinabi pa sa report na nagawa namang makaganti nang pagpapaputok ang biktima at tinamaan ang isa sa mga suspect.
Ayon sa ilang testigo, isa sa mga salarin ang nasawi at ito ay dinala ng kanyang mga kasamahan.
Ang biktima ay nagtamo ng mga tama sa ulo at katawan at namatay noon din.
Isang manhunt operation naman ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat nina Lea Leuterio at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest