^

Probinsiya

Pamilya nilooban: anak patay, ama grabe

-
MARILAO, Bulacan – Isang 53-anyos na anak ang kaagad na nasawi, samantalang nasa malubhang kalagayan naman sa pinagdalhang pagamutan ang kanyang 80-anyos na ama matapos na ang kanilang bahay ay pasukin at looban ng apat na hindi pa nakikilalang mga lalaki, kamakalawa ng madaling araw sa Sitio Looban, Barangay Loma de Gato sa bayang ito.

Sa ulat na tinanggap ni Police Chief Inspector George Torcuator, hepe ng pulisya sa nabanggit na bayan nakilala ang nasawi na si Ricardo Concepcion Jr., na nagtamo ng isang tama ng bala ng shotgun, samantalang nasa kritikal namang kalagayan ang kanyang ama na si Ricardo Sr., sanhi naman ng maraming saksak sa katawan.

Sa inisyal na ulat , nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-3:45 ng madaling araw nang pasukin ng apat na mga suspect ang bahay ng mag-ama sa pamamagitan nang pagwasak sa pinto sa likod na bahagi ng bahay.

May teorya ang pulisya na maaaring nanlaban ang mag-ama sa mga salarin kaya binaril ang nasawi at pinagsasaksak naman ang kanyang ama.

Nakatangay ang mga suspect ng hindi pa madeterminang halaga ng mga alahas at salapi mula sa bahay ng mag-ama. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

AMA

BARANGAY LOMA

BULACAN

EFREN ALCANTARA

GATO

ISANG

POLICE CHIEF INSPECTOR GEORGE TORCUATOR

RICARDO CONCEPCION JR.

RICARDO SR.

SITIO LOOBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with