Estudyante na nanggulo sa kampo, tinodas ng pulis
November 29, 2000 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Isa sa pitong estudyante na umanoy nanggulo sa loob ng nasabing kampo ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga tauhan ng Base Police makaraang maghasik ng kaguluhan sa Purok 5, Ems Barrio, kamakalawa ng hapon.
Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Chief Superintendent Lucas Managuelod, PRO4 director, nakilala ang napatay na estudyante na si Rico Borrengot, 24, alyas Rico, tubong Samar at nakatira sa Barangay Mapagong, Calamba, Laguna.
Si Rico ay patay na nang idating sa St. Mark Hospital bunga ng tinamong mga tama ng bala sa hita at katawan.
Kasalukuyan namang nasa kustodya ng kanilang hepe ang nakabaril na pulis na nakilalang si PO1 Ricky Dalisay.
Nabatid sa ulat na dakong alas- 5:30 ng hapon nang makatanggap nang tawag ang mga tauhan ng Base Police buhat kay SPO4 Zenaida Gaduena tungkol sa panggugulo ng pitong kalalakihan, kabilang dito ang nasawi na pawang nasa impluwensiya ng alak sa Ems Barrio Camp Vicente Lim, Calamba , Laguna.
Kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng pulisya subalit hindi inabutan ang mga suspect sa Purok 5 ng nasabing kampo.
Nasundan ng mga pulis ang mga suspect sa Barangay Mapagong, ilang metro lamang ang layo buhat sa headquarter na pawang armado ng itak, tubo at sumpak.
Nang sitahin ng mga pulis ang grupo ni Borrengot ay nagsimula na itong magwala na armado ng itak, hanggang sa mapilitang magpaputok ng dalawang beses ang mga pulis.
Imbes na sumuko ay nanlaban pa ito hanggang sa tuluyan siyang paulanan ng bala ng mga awtoridad.
Mabilis namang nagsitakas ang anim pang kasamahan ni Borrengot. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest