Bus nahulog sa bangin: 2 katao patay
November 23, 2000 | 12:00am
SAN ANDRES, Catanduanes Dalawa katao ang nasawi, samantalang marami pa ang nasugatan matapos na ang sinasakyan nilang mini bus ay mahulog sa bangin sa Sitio Talahib, Cabungcoran ng naturang bayan, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang dalawang nasawi na sina Adel Martines, 34, binata, driver ng naturang bus at Baby Ballestin, 31, dalaga, isang empleyada ng JRS Manila at kapwa residente ng Barangay Tubli, Caramoran, Catanduanes.
Isa pang pasahero na nakilalang si Percival Siocson, ang nasa kritikal na kondisyon, samantala, marami pa rin pasahero ang iniulat na nasugatan at ngayon ay nasa ibat-ibang pagamutan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon habang ang mini bus na may plakang EVD-787 na minamaneho ng nasawi ay mawalan ng kontrol at nagtuloy-tuloy na nahulog sa may 40 metro lalim na bangin.
Binanggit pa sa ulat na puno ng pasahero ang mini bus dahil ito ang huling biyahe patungo sa San Andres .
Tinataya ng mga awtoridad na aabot sa 70 katao ang lulan ng bus at maging sa tuktok nito ay may lulang pasahero ng maganap ang aksidente. ( Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest