^

Probinsiya

Anino ng planeta ang nakitang UFO sa Pampanga

-
Ipinalalagay na anino lamang umano ng planeta ang liwanag na sinasabing Unidentified Flying Object (UFO) na nakita sa himpapawid ng Mabalacat, Pampanga noong nakalipas na Biyernes ng gabi, batay sa pahayag ng mga eksperto mula sa Philippine Athmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sinabi ni Mario Raymundo, astronomer ng PAGASA, malamang anyang anino lamang ng planeta na nasinagan ng liwanag ng buwan ang nakita ng mga tao sa Pampanga dulot na rin ng nakitang paggalaw nito sa kalawakan.

Hinihinala rin na magkatulad lamang ang mga liwanag na nakita sa himpapawid ng Las Piñas kamakailan na sinasabi ring UFO.

"Iyong nakita sa Las Piñas, naghugis W na nagliwanag ay nagpapatunay na dulot ng sinag ng planeta sa kalawakan at kung halos pareho ito ng nakita sa Pampanga, malamang epekto rin ito ng sinag ng liwanag ng planeta", ani Raymundo.

Gayunman, sinabi nito na isang team mula sa Astronomy Department ng nabanggit na ahensiya ang nagsasagawa na nang pag-aaral ukol sa sinasabing UFO na nakita sa Pampanga para matiyak kung ano talaga ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ASTRONOMY DEPARTMENT

BIYERNES

CRUZ

LAS PI

MARIO RAYMUNDO

PAMPANGA

PHILIPPINE ATHMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

UNIDENTIFIED FLYING OBJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with