^

Probinsiya

3 DECS officials kinasuhan sa Ombudsman

-
DAET, Camarines Norte – Tatlong opisyal ng Department of Education, Culture and Sports (DECS)- Camarines Norte ang sinampahan ng reklamo ng ilang guro sa tanggapan ng Ombudsman dahilan umano sa hindi magandang pamamalakad ng mga ito kaugnay sa ipinatutupad na ‘palakasan system’ at ‘teaching job for sale’ para sa mga aplikanteng guro sa lalawigan.

Ang tatlong DECS officials ay nakilalang sina Dr. Eleonor Osea, DECS-Division Superintendent; Dr. Estrella Retiro, Public School Division Supervisor ng Capalonga District at Piameta Vela Cruz, Administrative Officer ng DECS.

Batay sa apat na pahinang salaysay ng tatlong complainant na nakilalang sina Lucia Peraz at mag-asawang sina Matilde at Rico Regidor sa tanggapan ng Ombudsman, binanggit ng mga ito na hindi nasusunod ni Dr. Retiro ang ranking sa mga guro.

Ang kanilang reklamo laban kay Retiro ay kanilang ipinarating kina Dr. Osea at Vela Cruz subalit walang aksyon na ginawa ang naturang opisyal.

Kasong grave abuse of authority at anti-graft at corrupt practices law ang isinampang reklamo laban sa mga opisyal ng DECS.

Sa panig naman ng DECS officials, kanilang inihayag na inosente sila sa naturang mga paratang. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

ADMINISTRATIVE OFFICER

CAMARINES NORTE

CAPALONGA DISTRICT

CULTURE AND SPORTS

DEPARTMENT OF EDUCATION

DIVISION SUPERINTENDENT

DR. ELEONOR OSEA

DR. ESTRELLA RETIRO

DR. OSEA

DR. RETIRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with