6 magsasaka na dinukot ng MILF naisalba
November 18, 2000 | 12:00am
Nailigtas ng operatiba ng militar ang anim na magsasaka na dinukot ng pinaghihinalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong nakaraang Linggo sa Lamitan, Basilan sa isinagawang operasyon kamakalawa sa nabanggit na lalawigan.
Sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, napilitan ang mga kidnappers sa pamumuno ni Kumander Saktar Yacup na abandonahin ang mga biktima sa masukal at bulubunduking bahagi sa bayan ng Lamitan sa takot na maabutan ng papalapit na puwersa ng pamahalaan.
Dakong alas-7 ng gabi ng mailigtas ang mga biktima na nakilalang sina Jose Daraug, 45; Gina Daraug, 36; Ronald Provido, 40; Felix Acaso, 45; Ignacio Flores, 46 at Arnold Flores, 10.
Pawang nakagapos ang mga kamay ng mga biktima nang matagpuan ng tropa ng pamahalaan.
Nabatid na nagkaroon ng maikling pagpapalitan ng putok sa pagitan ng mga suspect at ng militar bago tuluyang nagsitakas ang grupo ng una at iniwan ang kanilang mga bihag.
Magugunita na kasalukuyang nangunguha ng niyog ang mga biktima ng tutukan ng baril ng mga suspect at sapilitang dinukot.
Kasalukuyan pang tinutugis ng mga operatiba ng militar ang grupo ng mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest