^

Probinsiya

Abu Sayyaf Group uubusin ng militar hanggang Pasko

-
Tinaningan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) na hanggang Pasko na lamang ang mga ito at tuluyan na silang mabubuwag.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Angelo Reyes, na gagawin lahat ang kanilang magagawa kaakibat ang Philippine National Police upang wakasan na ang paghahasik ng lagim ng nasabing grupo.

Sinabi ni Reyes na sisiguraduhin ng kanilang puwersa na ligtas na mababawi ang natitirang dalawang bihag na sina Roland Ullah, isang Pilipino at Jeffrey Schilling, isang Amerikano bago sumapit ang araw ng Kapaskuhan.

Determinado rin si Reyes na maililigtas ang nasabing mga biktima sa isasagawang operasyon at pahinain ang puwersa ng ASG o tuluyan nang burahin ito.

Idinagdag pa ni Reyes na kung sakaling maibalik sa normal ang sitwasyon (peace and order) sa lalawigan ng Sulu, ay nananatili pa rin ang pag-aatas sa Task Force Trident hinggil sa kautusan ng Pangulong Estrada na iligtas ang mga bihag at pulbusin ang ASG.

‘‘Inatasan ko na ang Task Force Trident sa ilalim ni Brig. Gen. Glecerio Sua na ipagpatuloy ang opensibang militar upang tuluyan nang maibalik sa normal ang sitwasyon sa Sulu.’’ ani ni Reyes.

Bagaman may taning na ang mga bandido, sinalakay at sinunog ng mga rebeldeng ASG ang isang paaralan pang-elementarya kamakalawa ng gabi sa lalawigan ng Basilan.

Batay sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, dakong alas-11:25 ng gabi nang salakayin ng mga armadong ASG ang Campo Uno Elementary School na matatagpuan sa Brgy. Lamitan, sa nasabing lalawigan at agad na pinakalat ang apoy sa buong gusali ng pang-Grade 5 at 6 at sa Home Economics Department ng nasabing paaralan.
Ayon kay Brgy. Kagawad Mercado, isang saksi na bigla na lamang siyang nagulat nang matanaw nito ang malaking liwanag mula sa nasabing paaralan. Aniya’y kanyang pinuntahan ito ngunit dahil sa nakita nito ang mga nasabing grupo ay minabuti nitong humingi ng tulong sa headquarters ng 18th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Matapos ang panununog ay mabilis na nagsitakas ang mga bandido sa di-mabatid na direksyon. (Ulat ni Jhay Mejias)

ABU SAYYAF GROUP

ANGELO REYES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

AYON

REYES

TASK FORCE TRIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with