4 killer/rapist ng coed tugis
November 11, 2000 | 12:00am
TRECE MARTIRES CITY, Cavite Pinaniniwalaang malulutas na ng pulisya ang kasong panggagahasa at pagpatay sa isang 20 taong gulang na Masscom student kamakailan makaraang magkaroon ng lead ang mga tauhan ng Intelligence and Investigation Division (IID). Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Wewe Cayao, Itong Ilagan, Rey Video at isang Otok Villa na pawang nakatira sa Bgy. Inocencio ng lunsod na ito.
Ang mga suspek ay pinaghahanap ngayon ng pulisya para sumailalim sa interogasyon kaugnay sa panggagahasa at pagpatay sa biktimang si Jade Mojica, estudyante ng Cavite State University (CSU) at nakatira sa Barangay Halayhay, Tanza, Cavite.
Matatandaan na kamakailan ay natagpuang patay at hubot-hubad ang biktima sa nabanggit na barangay na pinaniniwalaang halinhinang ginahasa ng mga suspek.
May teorya ang pulisya na ang biktima ay kinaibigan ng mga suspek na pawang mga driver ng pampasaherong jeep na may rutang Indang-Trece ng ito ay maging pasahero at pagkatapos ay hindi na ito pinakawalan at dinala sa isang kubo sa nabanggit na barangay at doon ay ginahasa bago pinatay. (Ulat ni Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest