Ang biktima na nagtamo ng isang malalim na saksak sa kanyang dibdib na namatay noon din ay nakilalang si Willy Reforma, 27, ng Pagbilao, Quezon habang ang suspek at ang pinsan nitong si Ricky Recido, 18, ng Barangay Silangang Mayao.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi ay naglalakad ang magpinsan sa feeder road ng naturang barangay na galing sa pakikipag-inuman sa kanilang mga kaibigan.
Nadaanan ng mga ito ang isang grupo ng mga kabataan at silay sinigawan ng maaanghang na salita. Bunga noon ay nagalit ang magpinsan at nilusob ang mga kabataan hanggang sa magkaroon ng labu-labo.
Habang nasa kainitan ang rambulan ay binunot umano ng suspek ang patalim at sinaksak ang isang lalaki na lingid sa kanyang kaalaman ito ay ang kanyang pinsan. (Ulat ni Tony Sandoval)