^

Probinsiya

Sundalo pinagtulungan patayin ng mag-ama

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang kagawad ng Philippine Army ang patraydor na binaril at ng hindi makuntento ay pinagtataga pa ang katawan nito ng isang mag-ama sa Barangay Caridad, Llanera, Nueva Ecija kamakailan.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang biktima na si Sgt. Felipe Herminio, 48, residente ng nasabing barangay.

Samantalang ang mga suspek na mag-ama ay nakilalang sina Ignacio Antonio, 57, at ang anak na si Gaudencio, 27, kapwa naninirahan din sa nasabing barangay.

Lumilitaw sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, na ang biktima ay patungo na umano sa kanyang tahanan sa nabanggit na lugar dakong alas-3:25 noong hapon ng Miyerkules ng bigla na lamang harangan ng mag-ama ang dinaraanan nito.

Nagulat umano ang biktima sa pagkakaharang sa kanya ng mag-ama subalit binalewala nito at nagpatuloy sa paglalakad ng bigla itong barilin sa likod ng matandang Antonio.

Hindi pa umano nakuntento sa nakita ng batang Antonio ang pamamaril ng ama kaya sinundan pa nito ng pagtaga sa biktima sa iba’t ibang parte ng katawan hanggang sa ito ay mapatay.

Matapos ang isinagawang krimen ay mabilis na nagsitakas ang mag-ama subalit pagkalipas ng ilang oras ay naaresto ang matandang Antonio habang ang anak naman nito ay patuloy na hinahanting ng pulisya. Kasalukuyang inaalam ng pulisya ang motibo. (Ulat ni Jeff Tombado)

AMA

BARANGAY CARIDAD

DIRECTOR CHIEF SUPT

FELIPE HERMINIO

IGNACIO ANTONIO

JEFF TOMBADO

NUEVA ECIJA

PHILIPPINE ARMY

POLICE REGIONAL OFFICE

ROBERTO CALINISAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with