Kinilala ni Asst. Provincial Jail Warden Rolando Aldovino ang mga pumugang preso na sina Romeo Andaya, Rolando de Chavez, Elino Lantin Jr. at Edwin Medrano na pawang may mga kasong rape; sina Randy Gabo, Alvino Bruce, Reynaldo Roxas, Juan Zosimo Veninoso, Lauro Mitra, Gofrey Miranda at Mario Gamez na pawang may kasong murder.
Ang may mga kasong homicide naman ay sina Benjie Duran, Bernardo Umali, Jimmy Abad sa kasong qualified theft.
Ayon sa ulat ng pulisya, si Romeo Gutierrez na leader ng Sputnik Gang na may kasong murder ay mabilis din nasakote dahil sa mga concerned citizens sa Zaballero Subd., Brgy. Gulang-Gulang.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong ala-1 hanggang alas-2 ng madaling araw kahapon ng pumuga ang mga preso mula sa selda 7 ng nasabing piitan habang nananalanta ang bagyong Seniang.
May teorya ang pulisya na matagal nang binalak ng mga preso ang pagpuga sa pamamagitan ng paglagare ng rehas na bakal malapit sa tower na walang guwardiyang nagbabantay dahil sa lakas nang buhos ng ulan at hangin.
Ayon sa pulisya, gumamit ang mga pumugang preso ng kumot na itinali sa magkabilang dulo.
Mananagot naman ang mga guwardiya na nagpabaya sa pagbabantay na sina PG3 Rodolfo Glorioso, Maximo Manalo, Buenaventura Zeta, Rolando Rivera, Aristotle Aquino, Ronnie Javid, Dionisio Abrihan, Ricardo Afable, at Jonathan Gaola.(Ulat nina Tony Sandoval at Celine Tutor)