Presinto hinagisan ng granada: Hepe, 7 tauhan nakaligtas
October 29, 2000 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga - Himalang nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang isang chief of police kasama ang pito nitong tauhan makaraang hagisan ng granada ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang kanilang presinto sa Mabalacat, Pampanga.
Sa ulat na isinumite ni Pampanga Provincial Police Office (PPPO) Director Supt. Alejandro Guttierez kay Police Regional Office 3 Director Chief Supt. Roberto Calinisan, himalang nakaligtas sa kapahamakan sina Supt. Abner Dimabuyo, hepe ng Mabalacat Police at ang kanyang mga tauhan matapos na hagisan ng isang granada.
Ayon sa ulat, tanging ang dalawang sasakyan lamang umano na pagmamay-ari ng dalawang pulis ang nagkaroon ng pinsala mula sa sumabog na granada.
Nabatid kay Dimabuyo na bago naganap ang insidente ay kararating lamang umano nila sa kanilang presinto galing sa isang anti-drug operation at nakahuli sila ng dalawang pinaghihinalaang mga drug pushers.
Kabababa pa lamang nila sa kani-kanilang mga sasakyan matapos ang isinagawang operasyon ay bigla umanong may sumulpot na dalawang kalalakihan na hinihinala ding mga drug pushers lulan ng isang motorsiklo at walang sabi-sabing hinagisan sila ng granada at mabilis na tumakas sakay ng kanilang sasakyan.
Sa kabutihang palad ay sumabog ang granada sa tabi ng sasakyan na nakaparada sa harapan ng istasyon ng pulisya na hinihinala ni Dimabuyo na maaaring may kinalaman ang naganap na insidente sa kanilang all-out-war laban sa mga ilegal na droga sa nabanggit na bayan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
15 hours ago
Recommended