Babaerong mister, naaktuhan ni misis
October 28, 2000 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Pinakulong ng isang misis ang kanyang mister matapos niya itong mahuli sa aktong gumagawa ng kahalayan sa mismong kuwarto nila ng kanyang mistress kamakalawa sa Brgy. Victoria Reyes ng bayang ito.
Ang nagsampa ng kasong concubinage sa kaniyang mister ay si Mrs. Nenita Kamantuy, 41, laban sa asawa nitong si Lucian Kamantuy, 50, walang trabaho kapwa residente ng Blk. 11 Lot 20, Brgy. Sampaloc 4 ng bayang ito.
Habang ang kalaguyo nitong si Marites Sedano, residente rin ng nasabing lugar ay nakakalaya pa.
Batay sa pahayag ng biktima na simula pa noong buwan ng Setyembre ay may hinala na siya sa kaniyang asawa na mayroon itong ibang babae dahil sa bihira siyang umuwi sa kanilang bahay.
Nahuli niya isang beses ang babae sa kanilang bahay subalit sinabi ng suspek na ito ay kanilang katulong.
Hindi nito binigyan ng malisya ang pagtanggap sa babae bilang katulong subalit nagsumbong sa kanya ang anak na panganay at sinabing magkatabing natutulog ang mga ito sa kuwarto.
Sinadya niyang umuwi ng gabi para hulihin ang asawa at hindi siya nagkamali dahil nahuli niya sa akto ang kanyang mister at ang kalaguyo nito na gumagawa ng kahalayan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest