Construction firm sinunog ng NPA rebels
October 25, 2000 | 12:00am
Sinalakay na may 50 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang construction company na pag-aari ng isang Fil-Chinese businessman bago sinunog ang mga kagamitan matapos tumangging magbigay ng revolutionary tax kamakalawa ng madaling araw sa Compostela Valley.
Ayon sa report ng Camp Crame, nabatid na sinalakay ng mga NPA ang Vicente Lao construction compound sa Barangay Union, Monkayo, Compostela bandang alas-2:00 ng madaling araw.
Isang Ka Roger ang namuno sa mga NPA na sumalakay sa nasabing construction firm na pag-aari ni Lao makaraang tumanggi itong magbigay ng kanyang revolutionary tax sa rebeldeng komunista.
Sinunog ng mga rebelde ang 2 dump truck sa loob ng construction firm saka iginapos ang 2 guwardiya at kinuha ang 2 12-guage hot gun ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended