^

Probinsiya

Sasakyang militar bumulusok sa bangin: 6 grabe

-
Anim na enlisted personnel ng Phil. Army na nagsisilbing security escort sa delegado ng Organization of Islamic Conference (OIC) mula sa ibang bansa na bumisita sa ilang lugar sa Central Mindanao ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang kinalululanan ng mga military vehicle kamakalawa sa Brgy. Marang, Matanog, Maguindanao.

Kinilala ang mga biktima na sina Staff Sgt. Salvador Tranquilino, Pfc. Danilo Biare, Pvt. Renato Logasca, Cpl. Ponciano Masongsong, Pfc. Gerry Buenafe at Pfc. Dionisio Valdez.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-8:55 ng umaga habang binabagtas ng Simba vehicle ng 2nd Military Intelligence Battalion (MIB) bilang mga security escort ng mga delegado ng OIC sa kahabaan ng Sitio Mangit, Brgy. Marang, Matanog, Maguindanao nang aksidenteng mahulog ang sasakyan sa malalim na bangin.

Hindi umano napansin ng driver ang malubak na daan kung saan ay nawalan ng kontrol ang manibela ng sasakyan at tuluy-tuloy na bumulusok sa 20 talampakang lalim na bangin.

Agad namang nagresponde ang mga elemento ng 3rd Marine Brigade at unang isinugod sa Camp SK Pendatum Hospital bago inilipat dahilan sa maselang kalagayan ang mga nasugatang sundalo sa Camp Siongco Station Hospital.

Kaugnay nito, umapela si Mercado sa ilang mamamahayag na iberipika muna ang mga ulat bago ito ibalita sa publiko matapos na ireport ng isang kilalang himpilan ng telebisyon na inambush ng mga rebeldeng MILF ang tropa ng pamahalaan subalit nang iberipika ay nabatid na nasugatan lamang ang mga ito sa nasabing aksidente.

Nagtungo ang OIC mission team sa Central Mindanao upang madetermina ang sitwasyon sa nasabing lugar kaugnay na rin ng hinihiling ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na pagkalooban sila ng ‘‘observer status." (Ulat ni Joy Cantos)

BRGY

CAMP SIONGCO STATION HOSPITAL

CENTRAL MINDANAO

DANILO BIARE

DIONISIO VALDEZ

GERRY BUENAFE

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MARINE BRIGADE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with