Itoy kasabay ng pag-upo sa posisyon ni Lt. Gen. Benjamin Defensor, nakababatang kapatid ni Senadora Miriam Defensor Santiago bilang bagong hepe ng PAF mahigit isang linggo na ang nakalilipas.
Ayon kay PAF Spokesman Col. Horacio Lapinid, sa kabuuang 352 mga kandidatong sundalo na ipinalabas ng Phil. Air Force Selection Board, 51 dito ang kababaihan na kuwalipikadong pinili buhat sa ibat ibang lalawigan at nakatakdang sumailalim sa anim na buwan o kalahating taong pagsasanay sa larangan ng aviation.
Naniniwala ang bagong hepe ng PAF na malaking tulong ang pagdagsa ng mga bagong recruits sa human resource capability ng air command, lalo pat bahagi ito ng pinapasimulang pagpapaunlad pa sa hukbong panghimpapawid ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Nabatid na habang sumasailalim sa military training ang naturang mga aspirante ay tatanggap ang mga ito ng suweldo at allowance na ipinagkakaloob ng hukbong panghimpapawid. (Ulat ni Joy Cantos)