^

Probinsiya

352 sundalo sinasanay ng PAF

-
Umaabot sa 352 mga bagong kandidatong sundalo kabilang ang 51 kababaihan ang sumasailalim ngayon sa masinsinang pagsasanay sa Phil. Air Force’s Air Education and Training Command sa Fernando Air Base, Lipa City.

Ito’y kasabay ng pag-upo sa posisyon ni Lt. Gen. Benjamin Defensor, nakababatang kapatid ni Senadora Miriam Defensor Santiago bilang bagong hepe ng PAF mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Ayon kay PAF Spokesman Col. Horacio Lapinid, sa kabuuang 352 mga kandidatong sundalo na ipinalabas ng Phil. Air Force Selection Board, 51 dito ang kababaihan na kuwalipikadong pinili buhat sa iba’t ibang lalawigan at nakatakdang sumailalim sa anim na buwan o kalahating taong pagsasanay sa larangan ng aviation.

Naniniwala ang bagong hepe ng PAF na malaking tulong ang pagdagsa ng mga bagong recruits sa human resource capability ng air command, lalo pa’t bahagi ito ng pinapasimulang pagpapaunlad pa sa hukbong panghimpapawid ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nabatid na habang sumasailalim sa military training ang naturang mga aspirante ay tatanggap ang mga ito ng suweldo at allowance na ipinagkakaloob ng hukbong panghimpapawid. (Ulat ni Joy Cantos)

AIR EDUCATION AND TRAINING COMMAND

AIR FORCE

AIR FORCE SELECTION BOARD

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BENJAMIN DEFENSOR

FERNANDO AIR BASE

HORACIO LAPINID

JOY CANTOS

LIPA CITY

SENADORA MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with