7 tricycle inararo ng jeep; 7 sugatan
October 20, 2000 | 12:00am
STA. CRUZ, Zambales - Pito katao ang iniulat na nasugatan makaraang araruhin ng isang pampasaherong jeep ang pitong nakaparadang tricycle sa harapan ng palengke, kamakalawa ng tanghali sa naturang lugar.
Kinilala ng pulisya ang mga sugatang tricycle driver na sina Bonifacio Anuevo, 27; Lemuel Barnachea, 22; Panfilo Montealto, 59; Cesar Merza, 24; Santiago Mayola, 39; Michael Miraflor, 19 at Eduardo Lemon, 40 na pawang taga- brgy. Tubo-Tubo.
Habang ang suspek na driver ng jeep na may plakang VAJ 171 ay kusang sumuko sa pulisya at nakilalang si Cleton Bomowey, 23 at residente ng Brgy. Lucapon South.
Batay sa imbestigasyon ng puloisya, naganap ang pangyayari dakong alas 12 ng tanghali habang ang mga sasakyan ng biktima ay nakaparada sa naturang lugar at naghihintay ng mga pasahero.
dahil sa lango sa alak ang suspek habang nagmamaneho ng kanyang jeep ay nawalan ito ng kontrol bago nagtuloy-tuloy sa mga nakaparang tricycle.
Ilan sa mga nakasaksi sa pangyayari ang mabilis na isinugod ang mga biktima sa Ramon Magsaysay Memorial Hospital. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest