Naganap ang unang insidente ng terorismo sa kahabaan ng national highway sa Limbalod, Pagawan, Maguindanao dakong alas-9:30 ng umaga.
Napag-alaman na may 30 armadong MILF rebels ang nagsagawa ng pananambang sa tatlong sundalo at isang sibilyan na lulan ng motorsiklo.
Ang pangyayari ay nagresulta sa pagkamatay ng dalawang kawal at isang sibilyan na tinukoy sa palayaw na Toto.
Hindi muna tinukoy ang pangalan ng mga nasawi dahilan sa kailangan pang iparating ang sinapit ng mga ito sa kanilang pamilya.
Makalipas ang mahigit isang oras, inatake naman ng may 20 NPA rebels ang CAFGU detachment ng 62nd Infantry Battalion sa Barangay San Policarpio , San Luis, Agusan del Sur, na dito isang sundalo at tatlong kasapi ng CAFGU ang nasawi sanhi ng mga grabeng tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Base sa ulat na nakalap ng militar, nagpalabas ng kautusan si CPP-NPA- NDF founding chairman Jose Ma. Sison mula sa bansang Netherland sa kanyang mga tauhan na magsagawa ng ibayong opensiba laban sa tropa ng pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)