^

Probinsiya

Mag-asawang NPA rebels nasakote

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Isang mag-asawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nadakip kasabay ng pagkakakumpiska sa kanilang mga armas sa isinagawang raid ng mga elemento ng 31st Infantry Battalion sa Sitio Villa Minda, Barangay Sto. Niño Lopez Quezon, kamakalawang umaga.

Ayon sa ulat nat inanggap ni Southern Luzon Command (SOLCOM) chief Major Gen. Jose Lachica, kinilala ang mag-asawang nadakip na sina Romeo at Rosalita Paular, kapwa hinihinalang kasapi ng Maxell na kumikilos sa 4th district ng lalawigan ng Quezon.

Sinasabi sa ulat na dakong alas-7 ng umaga ay ni-raid ng mga sundalo ang bahay ng mag-asawa kasunod ng pagkakakumpiska sa kanila ng isang M16 armalite rifle, isang shotgun, dalawang granada, isang bandoler at iba’t ibang amyunisyon.

Samantala, tinanggap rin ng SOLCOM ang isang ulat na isang miyembro ng Sparrow Unit, liquidation squad ng NPA ang nadakip ng mga miyembro ng AFP Task Force Banahaw sa Nagcarlan, Laguna kamakalawa ng umaga. (Ulat ni Tony Sandoval)

BARANGAY STO

INFANTRY BATTALION

JOSE LACHICA

LOPEZ QUEZON

LUCENA CITY

MAJOR GEN

NEW PEOPLE

ROSALITA PAULAR

SITIO VILLA MINDA

SOUTHERN LUZON COMMAND

SPARROW UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with