Binata nagbaril sa harap ng syota, todas
October 12, 2000 | 12:00am
CAINTA, Rizal Isang 21-anyos na binata ang nagbaril sa ulo sa harap mismo ng kanyang kasintahan at tatlong kaibigan sa loob mismo ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa bayang ito.
Nakilala ang nasawi na si Jomel Arme, ng Karangalan Village, Cainta. Isinugod ito sa Sto. Niño Hospital ngunit hindi na umabot pang buhay dahil sa tama ng bala sa kanyang sentido.
Ayon kay SPO4 Arandani Abalos, isa pang palaisipan sa kanila ang sanhi ng pagpapakamatay nito dahil sa wala umanong malaking problema ang biktima ayon sa mga magulang nito.
Sa ulat ng pulisya, kasalukuyang nag-uusap ang magbabarkada sa sala ng bahay dakong alas-12 ng gabi nang bigla na lamang umanong maglabas ang biktima ng baril at paputukan ang sariling ulo.
Hindi din inaalis ng pulisya ang anggulong foul play dahil sa nawawala ang ginamit na baril sa umanoy isinagawang pagpapakamatay.
Isasailalim pa ng pulisya sa awtopsiya at paraffin test ang bangkay ng biktima upang maliwanagan ang insidente.
Ipatatawag rin ni Abalos ang kasintahan ni Arme at mga kaibigan nito upang makuhanan ng kanilang salaysay ukol sa kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended