^

Probinsiya

Mag-asawa napagkamalang magkalaguyo grabe sa saksak

-
DASMARIÑAS, Cavite - Nahaharap sa kasong frustrated murder ang isang obrero matapos na pagsasaksakin ang isang mag-asawa nang mapagkamalan nito na ang babae ay ang kanyang misis at ang lalaki ang kalaguyo ng huli kahapon ng umaga sa loob ng Kalipayan Arcontica Construction site, Brgy. Salitran 2 ng bayang ito.

Laking pagkakamali ng suspek na nakilalang si Jose Roy, 29,ng Atlas compound, ng nasabing bayan matapos na madiskubre nito na ang kanyang mga nasaksak na mga biktimang sina Joel Diaz, 24, stay-in construction worker at asawang si Maryjane Diaz, 21. Inakala ni Roy na ang misis niya ang nakikipaglampungan kay Joel sa loob ng isang barracks sa naturang construction site.

Sa isinagawang pagsisiyasat ni PO3 Jo Norman Patambang,may hawak ng kaso, bandang alas-5:30 ng umaga habang mahimbing na natutulog ang mag-asawang Diaz sa loob ng kanilang barracks nang bigla na lamang dumating ang suspek at sumugod ng patalim. Walang sabi-sabing pinagsasaksak ang mag-asawa habang sumisigaw si Roy nang "taksil kang babae ka".Nagtamo ng tig-isang tama ng patalim sa dibdib at balikat ang mag-asawang Diaz na ngayon ay ginagamot sa University Medical Center at si Roy ay tumakas matapos ang isinagawang krimen dala ang ginamit na patalim.(Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DIAZ

JO NORMAN PATAMBANG

JOEL DIAZ

JOSE ROY

KALIPAYAN ARCONTICA CONSTRUCTION

MARYJANE DIAZ

UNIVERSITY MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with