^

Probinsiya

Killer ng stepson tinutugis

-
ANTIPOLO CITY – Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang 47-anyos na retiradong miyembro ng Philippine Marine matapos na mabaril at mapatay nito ang kanyang stepson sa isang mainitang pagtatalo matapos na lasing na umuwi ito, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Nakilala ang suspect na si Cellico Camaso, 47, residente ng Blk. 11 Lot 13 Catleya st., Phase 1 Antipolo Hills, Brgy. Sa Luis ng lungsod na ito. Mabilis itong tumakas matapos ang pamamaslang dala ang kanyang kalibreng baril.

Hindi naman umabot na ng buhay sa Antipolo Doctor’s Hospital ang biktimang si Jasper Joseph Cabrera, 24, binata. Nagtamo ito ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Sa rekord ng pulisya, nabatid na umuwing lasing ang suspect sa kanilang bahay dakong alas-9 ng gabi. Nanonood ng telebisyon ang biktima nang abutan ng suspect at paalisin ito sa kinauupuan.

Nainis umano ang biktima sa magaspang na inasal ng lasing na ama-amahan at pinuna ito. Dito na pinagmumura ng suspect si Cabrera hanggang sa magkasagutan ang dalawa.

Isang putok naman ng baril ang narinig ng mga kapitbahay at nakitang mabilis na umalis ng bahay ang suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANTIPOLO DOCTOR

ANTIPOLO HILLS

BRGY

CABRERA

CATLEYA

CELLICO CAMASO

DANILO GARCIA

JASPER JOSEPH CABRERA

PHILIPPINE MARINE

SA LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with