Trump ‘dedma’ sa tensyon sa WPS
MANILA, Philippines — Hindi nababahala si United States President Donald Trump sa tensyon sa West Philippine Sea (WPS), sa kabila ng posibilidad na kailangang gamitin ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa bilateral meeting sa Malacanang, tinanong si Trump ng isang mamamahayag kung gaano siya nababahala sa sitwasyon at kung gaano kahanda ang Estados Unidos sakaling i-invoke ng Pilipinas ang MDT.
Sagot ni Trump --“I am not concerned at all. I am not concerned about that at all; that will be taken care of.”
Nasa Manila si Trump matapos na dumalo sa 49th ASEAN Summit and Related summits.
Sinabi naman ng US President na palalawakin pa ng dalawang bansa ang kanilang defense cooperation, sa pamamagitan ng pagdadagdag ng US foreign military financing para sa Pilipinas gayundin ang apruba sa mahigit na $5 bilyon para sa sa arms sales.
“America stands with the Filipino people. Just as we have for generations. We’ve been your ally, but not as close as it is now,” ayon pa kay Trump.
- Latest















