Solon umalma sa reso ng ‘shoot to kill’ vs Bato
MANILA, Philippines — Isa umanong fake news ang kumakalat sa social media hinggil sa isang resolusyon na isusulong sa Kamara para ipatupad ang ‘shoot to kill’ laban sa wanted na si Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ito ang sinabi ni Cagayan de Oro City 1st District Rep. Lordan Suan na isang malisyoso at irresponsableng pahayag sa social media na umano’y kaniyang ipupursige.
Nilinaw ni Suan na wala siyang iniisyung anumang banta kay Dela Rosa at wala siyang ganitong uri ng hakbangin.
Binigyang diin ni Suan na bilang isang public servant ay naniniwala siya sa tamang proseso ng batas.
Aniya, gawa-gawa lamang umano ang kumakalat na ‘shoot to kill’ kay Bato na ang pangalan pa umano niya ang kinakasangkapan sa kasinungalingan at disinpormasyon.
Hinikayat din ng solon ang publiko na beripikahing munang mabuti ang anumang impormasyon at opisyal na sources bago ito paniwalaan at ipakalat. Inihayag ni Suan na ang kaniyang opisyal na social media accounts at channels ng Kamara ang mapagkakatiwalaan sa kaniyang posisyon at mga pahayag.
- Latest




















