Utang ng Pinas, abot na sa P19.96 trilyon

MANILA, Philippines — Lumubo na sa record high na P19.96 trilyon ang kabuuang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong Setyembre.
Ayon sa Bureau of the Treasury (BOT) tumaas ito ng 0.27%, kumpara noong buwan ng Agosto at 12.63% kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Sinabi pa ng BOT na mula Enero ay nadagdagan na ng 11.03% o halos P2 trilyon ang utang ng bansa.
Binubuo naman ang domestic debt ng 67.39% ng kabuuang utang na umabot sa P13.25 trilyon.
Mas mataas umano noong Setyembre ng P7.66 bilyon ang bagong pangungutang ng pamahalaan sa mga local creditor kumpara sa mga repayment nito.
Maliban dito, nakadagdag din sa utang ang paghina ng piso, kung saan umabot sa P62.601 kada dolyar pagtatapos ng Setyembre mula P62.209 noong Agosto.
Bunsod nito, kaya tumaas ng P1.12 bilyon ang halaga sa piso ng mga dollar-denominated bond na inilabas sa lokal na merkado.
- Latest















