Indirect contempt vs. Sotto, ibinasura ng SC
MANILA, Philippines — Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang reklamong indirect contempt laban kay Senate President Pro Tempore Vicente “Tito” Sotto III kaugnay ng kanyang mga pahayag na bumatikos sa desisyon ng Mataas na Hukuman sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa desisyong inilabas ng Supreme Court en banc noong Oktubre 7, 2026, muling pinagtibay ng korte na ang kalayaan sa malayang pananalita at pagpapahayag sa “highest constitutional protection” ay may pinakamataas na proteksyong konstitusyonal, kabilang ang mga talumpati tungkol sa mga isyung pampulitika.
Nag-ugat ang kaso sa public statements ng senador sa naging desisyon sa Duterte vs. House of Representatives sa impeachment proceedings.
Ayon pa sa desisyon, ang political speech ay binibigyan ng pinakamataas na antas ng proteksyon dahil ito ay direktang pag-iral ng soberanya ng taumbayan.
Binigyang-diin din ng SC na hindi maiiwasan ang hindi pagsang-ayon sa mga desisyon ng hukuman at dapat maging bukas ang hudikatura sa lahat ng uri ng kritisismo.
- Latest


















