^

Police Metro

3 sa 4 na Articles of Impeachment, inalis ng prosekusyon

Malou Escudero, Joy Cantos - Pang-masa
3 sa 4 na Articles of Impeachment, inalis ng prosekusyon
Vice President Sara Duterte arrives at the Quezon City Regional Trial Court for the arraignment of her grave threats case on Oct. 9, 2026.
The Philippine STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inalis na ng House of prosecution panel ang tatlo sa apat na Articles of Impeachment na ibinabato laban kay Vice President Sara Duterte at sinabing ang kaso ay aasa sa Article II lamang patungkol sa diumano’y hindi maipaliwanag na kayamanan dahil sa hindi buong pag­dedeklara ng mga ari-arian at hindi pagbibitiw sa mga negosyo.

Binasa ni House lead prosecutor Rep.Gerville Luistro sa Senate Impeachment Court ang manifestation ng prosecution na nagsasabing binabawi nito ang Article I, III at IV.

Ang Article 1 ay tungkol sa confidential funds, ang Article III ay tungkol sa bribery, at ang Article IV ay tungkol sa mga umano’y pagbabanta laban kina ­Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.

Ang Article II na lamang ang tanging itinitira at ipagpapatuloy ng pro­secution panel na ayon kay Luistro ay sapat at matatag ang kanilang mga nakalap na ebidensya, bank records, at forensic analysis ukol sa umano’y hindi maipaliwanag na yaman at ari-arian ng Bise Presidente upang mapatunayan ang culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.

Ipinaliwanag ng panel na layunin nitong mapabilis ang takbo ng paglilitis at makatipid sa oras ang Senado, ang nasasakdal, at ang publiko.

Sa halip na mag-aksaya ng mahabang panahon sa pagpiprisinta ng ebidensya at pagdinig sa mga pagtutol ng depensa para sa apat na magkakahiwalay na artikulo, mas pinili nilang ilaan ang buong puwersa sa kasong pinakamatibay ang kanilang hawak na ebidensya.

Binalikan din ni Luistro ang impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona kung saan binawi rin ng prosekusyon ang ilang Articles of Impeachment at itinira lamang ang ilan.

Umalma naman ang kampo ng depensa sa ­pangunguna ni Atty. Sheila Sison, na iginiit na hindi dapat solong magdesisyon ang prosekusyon kung ­aling mga akusasyon ang papayagang sagutin ng Bise Presidente sa harap ng impeachment court.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with