Sen. Mark, sumanib na sa majority bloc

MANILA, Philippines — Nag-ober da bakod na sa Senate majority bloc si Senador Mark Villar.
Ito ang naging pahayag kahapon ni Senate Majority Leader Miguel Zubiri matapos mahalal si Villar sa dalawang posisyon na dating hawak ng dalawang senador mula sa mayorya.
Si Villar ay nahalal bilang Commission on Appointments (CA), na dating hawak ni Zubiri at bilang chairman ng Committee on Public Works, na dati namang pinamunuan ni Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
“Yes, we just elected him to the CA and Public Works committee as part of the Majority,” sabi ni Zubiri.
Si Villar ang pang-14 na kasapi ng mayorya habang magiging 10 na lang ang miyembro ng minorya na pinamumunuan ni Senador Alan Peter Cayetano.
- Latest















