6 flood control projects sa Davao City, posibleng ‘ghost project’ - NBI
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na 6 sa 51 na binubusisi ang iregularidad at kandidato sa pagiging ghost flood control projects sa Davao City, na nasasakupan ni First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte.
“Meron na pong nagpunta at based doon po sa 100 projects na tinignan, 51 po na red flag na po natin.At doon po sa 51 na yan, merong anim nasa strongly candidate na ghost project,” aniya pa.
Nadiskubre ng mga imbestigador ang kahina-hinalang funding patterns, kabilang ang single geographic coordinate na nakakuha ng national allocation ng 5 beses sa iisang General Appropriations Act (GAA) budget year, sa ilalim ng magkakaibang project titles.
Ang Genesis 88, na pag-aari ng malapit umano kay Rep. Duterte, ay diumano’y nakakuha ng tinatayang P7 bilyong halaga ng DPWH-implemented flood control projects sa pagitanng 2018 at 2024, aniya pa.
Nilinaw naman ni Matibag na walang political targeting dahil aktibo sa pag-iimbestiga ang NBI sa iba pang flood control projects sa Bulacan, Mindoro, Cebu, Quezon, Tarlac, at La Union.
Ayon naman kay Duterte, na welcome ang imbestigasyon at nanawagan na imbestigahan din ang iba pang lalawigan, kabilang ang distrito ng misis nito na si Laguna First District Representative Ann Matibag.
- Latest


















