BI officer nabuko sa ‘kindatan code’, tiklo ng NBI

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang immigration officer dahil sa pagpapalusot umano ng mga illegal recruit sa halagang P40,000 nang mabuko ang modus sa aktong kinindatan lamang ang isang biktima ng human trafficking para palusutin at magtrabaho sa mga scam hub sa Cambodia.
Nabuko ang modus ng isang biktima (recruit) ang nagkuwento sa NBI na bago siya sumalang sa immigration counter, tinanong siya ng BI officer kung kailan ang kaniyang kaarawan.
Nang hindi makasagot ang biktima, ang opisyal na mismo ang sumagot nito at sabay siyang kinindatan bago tinatukan ang kaniyang passport para makalampas.
Agad na hiningi ng NBI Dangerous Drugs Division at NBI Human Trafficking Division ang tulong ng mga awtoridad para arestuhin ang nasabing immigration officer matapos makadaan ang biktima.
Bukod sa testimonya, narekober din sa cellphone ng biktima ang mga ipinadalang text message na naglalaman ng direksyon at sketch kung paano makakalusot sa paliparan.
Ang biktima ay binalak umanong dalhin sa Thailand para magtrabaho bilang isang “call center agent” na may ipinangakong sweldo na P50,000 kada buwan.
Natukoy rin ng NBI na 5 recruits sana ang nakatakdang palusutin ng suspek, kapalit ng P40,000 kada isa na makalulusot patungong Thailand, Malaysia, at Hong Kong, bago dumiretso sa Cambodia.
Nakatakdang kasuhan ng NBI ang anim na iba pa ang ng qualified human trafficking, kabilang ang ilang empleyado ng BI.
- Latest






















