^

Police Metro

Pagpatay sa Grade 9 dahil lang sa P10 sukli

Ludy Bermudo - Pang-masa

Hustisya hiling ng pamilya

MANILA, Philippines — Kung puwede lang buhay ang kapalit.”

Ito ang nabanggit ng nakatatandang kapatid na babae ng Grade 9 student na sinaksak at napatay ng 14-anyos na kaklase ng dahil lamang sa P10-sukli sa bottled water sa canteen ng Las Piñas National High School sa Las Piñas City, Biyernes ng hapon.

Idineklarang dead-on-arrival sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si alyas “A.D.O”, 13-anyos dahil sa tama ng saksak sa kaliwang dibdib.

Sobrang pagdadalamhati ang nararanasan ng pamilya dahil sa hindi matanggap na pagkamatay, pangwalo sa magkakapatid, na inilarawang masayahin, masunurin at mabait na bata. Kinuwestyon din nila ang kawalan diumano ng nurse sa loob ng clinic ng eskwelahan nang dalhin doon ang biktima na sana’y nakapagbigay ng first aid at kawalan din umano ng sasakyan na sana ay agad nagsugod sa pagamutan sa biktima.

Ayon sa ate ng biktima, hindi makatarungan na patayin ang kapatid niya nang dahil lang sa sampung piso, na hindi nakuha ng kapatid niya sa canteen, hindi umano naniwala ang suspek na hindi nakuha ang sukli.

Ayon Las Piñas ­acting police chief Fermin ­Armendarez III, inihahanda ang isasampang reklamong murder laban sa suspek na Child in Conflict with the Law (CICL).

GRADE 9

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with