Tsino inaresto sa pag-amok
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang 34-anyos na Chinese national matapos mag-amok, magdulot ng takot sa mga kustomer at manira ng mga kasangkapan sa isang Pares hub, sa Parañaque City, Sabado ng gabi,
Inihahanda na ang inquest proceedings sa reklamong Alarms and Scandals (Article 155 of the Revised Penal Code) at malicious mischief laban sa suspek na si alyas “Guo”, residente ng Barangay Tambo, Parañaque City.
Sa ulat ng Parañaque City police, dakong alas-9:41 ng gabi ng Hulyo 11 nang pumasok sa Pares Hub sa Quirino Avenue, Brgy. Tambo ang galit na galit na suspek at naghahamon ng away sa kahit sinong nasa loob.
Walang pumatol sa suspek kaya nagsimula nang magwala at manira ng gamit,dahilan upang mapilitang magsara na lang ng maaga sa normal na store hours ang food hub.
Nagkataong nagpapatrulya sa lugar ang mga pulis kaya inaresto ang dayuhan.
- Latest




















