1 Pinoy missing sa Nepal flash flood

MANILA, Philippines — Isang Pinoy ang iniulat na nawawala sa naganap na flash flood sa Nepal-Tibet border.
Batay sa Situation Update 3 ng Nepal Tourism Board-Trade kahapon, nabatid na ang naturang missing Pinoy ay kabilang sa 644 indibidwal na iniulat na nawawala matapos ang flash flood.
Hindi pa naman agad natukoy ang pagkakakilanlan ng naturang Pinoy.
Matatandaang naminsala ang isang malawakang flash flood sa border ng Nepal at Tibet noong Agosto 26, na ikinasawi ng halos 100 indibidwal.
Batay sa datos ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Foreign Affairs (DFA), mayroong 18 overseas Filipino workers (OFWs) sa Nepal.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), may naitala silang 128 Pinoy sa naturang bansa.
Karamihan umano sa kanila ay mga Pinay na nakapag-asawa ng Nepalese.
- Latest




















