^

Police Metro

Imbestigasyon uli sa flood control anomaly sa Senado, kinuwestyon

Joy Cantos - Pang-masa

CEBU, Philippines — Kinuwestiyon ni House Committee on Higher and Technical Education Chairman Jude Acidre ang timing ng pagbuo ng Senado ng Senate Blue Ribbon Subcommitee on flood control projects sa gitna na rin ng napipintong pagsisimula ng paglilitis sa impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Nagbabala rin si Acidre, kinatawan ng Tingog Partylist  na posibleng malihis ang atensiyon ng Senado at publiko sa impeachment trial kay VP Duterte at bukod dito’y madu-duplicate lamang ang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman.

Ginawa ni Acidre ang pahayag bilang reaksiyon sa desisyon ng bagong liderato ng Senado para lumikha ng Blue Ribbon SubCommittee na pamumunuan ni Senador Rodante Marcoleta na ipagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa umano’y irregularidad sa flood projects.

Sinabi ni Acidre na sa timing ng hakbangin ay maraming mga Pilipino ang nagtatanong kung bakit ito isinusulong gayong ang atensiyon ng publiko ay nakapokus sa isasagawang paglilitis sa impeachment laban kay VP Sara.

Binigyang diin ni Acidre sa news forum sa Dapo Restaurant sa Quezon City kahapon na ang mga alegasyon sa flood control projects ay nasuri na sa dating mga pagdinig ng Kongreso at ipinarerebyu na lamang ito sa Ombudsman na nagsisilbing tamang forum.

BLUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with