DOJ kay Bondoc: Nasaan si Sen. Bato?

MANILA, Philippines — Magpapadala ng liham ang Department of Justice (DOJ) kay singer-lawyer Jimmy Bondoc upang ikanta nito ang kinaroroonan ng puganteng si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na may aktibong warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) kasunod ng pag-amin nito na alam niya ang lokasyon ng kanyang kliyente.
Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na iniatas na niya ang pag-iisyu ng letter request kay Bondoc na magbigay sa DOJ ng impormasyong nalalaman niya o makukuha niya hinggil sa kinaroroonan ng kanyang kliyente.
Pinaalala ni Vida na ang attorney-client privilege ay hindi nagbibigay katwiran sa isang abogado na makipagtulungan sa batas o gumawa ng mga krimen gaya ng “misleading authorities” at “harboring offenders”.
Matatandaan na kamakailan ay idiniin ni Bondoc sa naging panayam sa kaniya ng isang TV station na may tungkulin ang mga abogado na tanggapin ang arrest warrant sa mga otoridad at sila na lang ang personal magsisilbi nito sa kanilang kliyente.
Pero ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag na wala umano sa batas na puwedeng tanggapin ng isang abogado ang isang arrest warrant at personal nila itong isilbi sa kanilang kliyente.
- Latest


















