^

Police Metro

P1-bilyong ‘aregluhan’ sa missing sabungeros ibinunyag

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang grupo ng mga kaanak ng mga nawa­wa­lang sabungero ang nagbunyag sa umano’y tangkang “areglo” na nagkakahalaga ng P1 bilyon kapalit ng pagbabasura sa kaso.

Sa isang pulong balitaan ay mariing itinanggi ng grupo na sangkot sila sa anumang negosasyon o pagtanggap ng pera mula sa kampo ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.

Sa halip itinuro nila ang ilang personalidad ka­bilang sina Dianne Loyola, Cha Lasco, at Jaja Peralta na umano’y nasa likod ng sinasabing pakikipag-usap para sa areglo na ma­lapit umano ang mga ito kay Julie “Dondon” Patido­ngan.

Ayon kay Ryan Bautista, isa sa mga kaanak ng missing sabungeros, hindi na umano sila isinama sa mga pagpupulong at usapan ka­ugnay ng kaso, ngunit sila pa umano ngayon ang pinagbibintangang tumanggap ng malaking halaga ng pera.

Nauna nang humarap sina Loyola at Cha Lasco sa National Police Commission (NAPOLCOM) ka­ugnay ng umano’y alok na pera mula kay Atty. Caroline Cruz, isa sa mga abogado ni Ang.

Sa mga naunang pahayag, inamin ni Cruz na nakipagkita siya sa grupo nina Loyola at nagbigay ng tig-P20,000 bilang per­sonal na tulong, ngunit itinanggi niyang P40,000 bawat isa ang ibinigay gaya ng alegasyon.

Mariing pinabulaanan ni Eloisa Bohol ang alegas­yong tumatanggap umano sila ng buwanang P40,000 mula sa kampo ni Ang upang umatras sa kaso.

Nanawagan naman si Aurelio Panaligan sa Department of Justice (DOJ) na muling paigtingin ang imbestigasyon at isama sa kaso sina Patidongan at mga kapatid nitong sina Elakim at Jose Patido­ngan.

ATONG ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with