^

Police Metro

Barangay Tserman tinodas ng dyowa

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang isang 64-anyos na barangay chairman matapos saksakin ng  kanyang ka-live in sa loob ng kanilang bahay sa Purok 5, Brgy. Bantayan, Tabaco City, Albay ­kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima na nagtamo ng saksak sa kaliwang hita ay kinilalang si Paulo, barangay chairman ng naturang lugar. Nakakulong at nahaharap sa kasong murder ang live-in partner na si  Marie, 39-anyos.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen alas-7:00 ng gabi ay sinundo ng biktima ang suspek sa isang mall sa lunsod.

Habang pauwi sakay ng motorsiklo ay may naitanong ang suspek sa biktima na hindi nito nagustuhan at ikinagalit.

Sa daan pa lang ay nagkaroon nang sagutan ang dalawa hanggang makarating ng bahay ay lalong uminit ang bangayan hanggang sa kusina at dito nakakuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa kanyang kaliwang hita.

Isinugod sa Cope Ge­neral Hospital ang biktima ng mga kaanak pero ideneklarang dead-on-arrival dahil sa pagka-ubos ng kanyang dugo.

Nasa siyam na taon nang nagsasama ang dalawa at may isang anak na 8-anyos na batang babae.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with