^

Police Metro

VP Sara na-impeach sa Kamara

Joy Cantos, Butch Quejada - Pang-masa

Sa botong 257-25-9…

MANILA, Philippines — Tuluyang na-impeach si Vice President Sara Duterte sa plenaryo ng Kamara botong 257-25-9 ng mga Kongresista nang aprubahan ang report ng House Committee on Justice na ipadala na ang Articles of Impeachment para sa ‘full trial ‘ ng Senado.

Ang botong 257 pabor sa impeachment ay nalagpasan ang 106 boto o 1/3 ng kabuuang miyembro ng Kamara para umusad ang impeachment ‘forthwith’ sa Senado.

Nalagpasan din nito ang orihinal na 240 mambabatas na sumuporta sa unang impeachment ni VP Sara noong ika-19th Congress  bagaman 25 sa mga ito ay hindi nakapanumpa kaya ang naging opisyal na count ay nasa 215 lamang.

Sa sesyon sa plenaryo, nagbigay ng pambungad na pahayag si House Committee on Justice Chairperson Gerville Luistro ay iprinisinta nito ang Articles of Impeachment laban kay VP Duterte na iginiit na ang boto ay hindi lamang numero manapa’y mandato sa Konstitusyon, sinunod nila ang proseso at hinimay ang mga ebidensya sa paghahanap sa katotohanan.

“Kapag may mabibigat na pagdududa tungkol sa paggamit ng pera ng bayan, tungkol sa katapatan ng SALN, tungkol sa asal at pananalita ng isang pinuno—hindi maaaring manahimik ang House of Representatives,” ani Luistro matapos na maaprubahan ang Committee Report No. 261 at House Resolution 989.

Sa debate sa plenaryo, kinuwestiyon nina Sagip Partylist Rep. Paolo Henry Marcoleta, BH Party­list Rep. Robert Nazal, Davao Rep. Isidro Ungab at Batangas Rep. Leandro Leviste ang regularidad ang impeachment na tinugon naman ni Luistro na sinunod nila ang tamang proseso kung saan isinubpoena ang mga ebidensya at pinakinggan ang mga testimonya.

Sa kabila ng banta ng PDP-Laban na hindi nila susuportahan ang mga mambabatas na boboto pabor sa impeachment kaugnay ng 2028 national elections at ibla-blacklist ang mga ito ay nanaig pa rin ang mayorya na panagutin sa batas si VP Sara sa ‘conscience vote’ ng mga mambabatas.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with